OFW Stories (Write & Share your Stories/Poem)

 

Mahirap na masaya.... Simula tau sa masaya. masaya kc nakakatulong tau sa pamilya mga kamag anak,nabibigay kung anu mga panganga ilangan nila, masayang makita ang kanilang mga ngiti....

Sa kabila ng lahat nga mga ngiting un masakit minsan dahil di nila naicip kung ano ang pinadadaanan bago makamit ang perang pinadadalan sa kanila...nan doon ung lungkot , pagod, puyat,minsan di na makaiin sa tamang oras, sa sobrang dami ng ginagawa.., ung sagupain ang galit ng amo, na hindi mo kilangan maging sentibo dahil kilangan ka ng pamilya mo. ganun pa man kilangan mag tiis...Sa bawat OFW isa lang ceguro pakiramdam namin....


Basta pagdating sa pamilya kilangan harapin lahat ng sakripisyo....kahit anu pa man un...thats life hindi natin kilangan mamili @#$%@*!#$&pin lang ng maluwag sa dibdib kung anong meron tau...at kung anu tau.....masarap pa din MABUHAY KAHIT GANITO...WAG MAWALAN NG PAGASA....LIFE IS BEAUTIFUL.....GOD BLESS EVERYONE

Napakahirap ang buhay ng isang OFW lalo na sa Middle East nandyan yong iba naloloko ka ng kanilang employer kasi di naman lahat maganda ang nagiging buhay ng isang OFW sa ibang bansa. Sa una yon ang pinakamahirap kasi Homesick ang kalaban mo dito... you have to adjust yourself at makisama sa ibat-ibang klase ng tao kailangan mo din ang malawak na pang-unawa. Wag kang masyadong magtitiwala sa mga kasama mo kilalanin mo muna kung mapagkakatiwalaan mo ba sila kasi may mga taong selfish.

Pagdating sa trabaho dapat dedicated ka sa work. mag-ingat din sa mga taong sipsip. May mga tao din na imbes tulungan ka lalo ka nilang hihilain pababa. Maging mapagpasensya, kasi may mga boss na minsan di mo maintendihan ang utak sisigawan ka kahit wala kang ginawang kasalanan o mali sa trabaho mo.. Ako iba't-ibang uri at klase ng tao ang nakatrabaho ko merong Koreans, British, French, Qatari at Indians lahat naman sila mababait lalo na yong British at French para mo lang silang mga barkada. Yong Koreans naman naku palasigaw pero marunong magsorry pag alam nilang mali sila. Yong Indians naku di mo mapagkakatiwalaan yan parang pinoy ang mga ugali mga back fighter karamihan. Yong Qatari naman mismo yong CEO/President ng company namin ang nakatrabaho ko ang masasabi ko lang walang alam pagdating sa business kilala lang nya ay MONEY. Minsan inuutusan akong pumunta sa isang business conference kahit di ko scoop di ko nga sinusunod pinagtataguan ko mabuti nalang makakalimutin hahahaa...

Pero wag nating kakalimutan kung bakit tayo ay nasa ibang bansa syempre para sa pamilya natin para sa kanilang kinabukasan. Minsan, madalas nakakagawa tayo ng mga pagkakamali parang nakakalimutan na natin ang mga pinangarap natin sa buhay, yong mga pinangako nating gawin tapos kadalasan pa nasasaktan mo pa kung sino ang taong mahal mo. Pero kailan man tayong mga pilipino hindi natin nakalimutan kung bakit tayo nasa ibang bansa. Nandito tayo para sa mga mahal natin sa buhay. Kahit gaano kahirap ang buhay dito, kahit gaano kalungkot titiisin natin yon para lang mapaligaya natin ang mga mahal sa buhay. Sa bawat patak ng pawis natin, ng luha natin alam nyo ang kapalit lang non yon lang simpling ngiti na galing sa kanila.

Bogs of Qatar
Image take at Qatar: Kabayan International Hypermarket

Ramdam mong nag iisa lng sa mundo' walang kakampi na kahit na sino, ni sabing totoong kaibigan malayo sayo samantalang itoy nandito'.... Gusto kung isipin ka , kayo para manlang makangiti at kahit papano mapawi ang lumbay nitong puso. Luobin sana bukas pag gising ko' mayroong dumampi, humaplos sa puso kung ito' at yun ay di ikaw, kayo' kundi si AMA pala na laging andyan na gabay ko...(Yung ka at ikaw' ung iniibig' ung kayo' ung mga mahal s buhay at ung' AMA' ay si Lord...)


Lapis at papel para maabot ka' kayo at blankung papel naman para sa istorya nang buhay ko dito' biyaya na panapadala ko sa inyo' katumbas ng larawang ninyong kinasasaya ko pag nakikita ko' mga awiting dinadama ko' ngunit walang katumbas mga boses ninyo pag naririnig ko' marasap na pagkain natitikman ko' pero hanap hain ni ina na may pag aaruga na takam ako.

OFW Poem - by Reynaldo from Brunei